Monday, August 15, 2011


I miss these guys so much. I'm having a skype with them right now. :">

Nawala bigla yung pagod ko sa totoo lang. Ang hirap talaga sa pakiramdam na yung dalawa sa pinakaimportanteng kaibigan mo e nasa malayong lugar. Buti na lang may isa pang natitira. :)
Salamat dahil naimbento ang Skype. Kahit papaano napapawi yung pangungulila ko sa kanila. 
Ang drama ko pero yan ang totoo. Madami-dami na din kami napagdaanan tulad ng ibang magkakaibigan sa mundo. Yun bang sinusubok ng pagkakataon. Ang di ko malilimutan dyan yung nanakawan ako bag. Take note: Buong BAG! and yes, naandun na ata lahat ng pwedeng maging  importanteng gamit ng isang estudyante.. Laptop, Cellphone, Headphones (akalain mong kasama pa yun? halatang pianghandaan ang pagnakaw no? XD), Charger ng laptop.. at madami pang iba. Sa pagkakataon ito nakakatawa lang ay first time namin makapunta sa Prisinto at makasakay sa isang Police Mobile Car. Habang sinusulat ko to, talaga pa lang nakakatawa minsan pag babalikan mo yung nakaraan? :) 

Habang nagtytype ako ngayon, Heto't kausap ko pa sila. Masaya sa pakiramdam.. <3
At Oo.. inuna ko pa talaga to kesa sa mga importanteng gagawin ko para sa School..
Para minsan naman tumawa naman ulit ako ng sobra at dahil sa kanila naman yun so oks lang.. :)

Okay, Kailangan ko na itigil to dahil baka wala ng katapusan to. 
hehe.


No comments:

Post a Comment