Habang nakatingin ako sa screen ng laptop ko, at unti-unting tinatype ang mga salitang nais iparating ng puso at damdamin ko, heto't parang tinutusok ng ice pick ang dibdib ko. Parang gusto ko umiyak, magsisigaw, magwala at magmumura sa kinatatayuan ko ngayon. Akala mo problemang Pag-ibig? HINDI. Ganun ata akong klase ng tao. Kung yung iba ganito ang sasabihin pag may problema sa Pag-ibig, ibahin mo ko. Dahil maniwala ka man o hindi ang mga ganitong pagdaramdam ko ay tungkol sa PAG-AARAL. Labo ba? nakakatawa no? pero Oo. Seryoso talaga ako. Ito kasi yung istorya niyan..a
Kakauwi ko lang kanina.. pahinga muna.. chillax chillax.. kumain pa nga ko ng maagang hapunan, Pancit Canton :) Maya-maya pa, nakita ko si Laptop. Nakagawian ko na 'ata na kada pasok ko sa kwarto ko bubuksan ko na kaagad siya. Ayan na.. binuksan ko na siya. Unang-una ko binuksan ang Facebook, kasabay nito E-MAIL ko. Isang pagkakamali ata na maaga ko binuksan ang e-mail ko. Dahil kasi sa pagbukas ko nito, kaya ako nagkakaganito ngayon. Heto na nga. Lagi ko na lang problema. Yung isang @#$!$!% major subject ko na yon. Ni ayaw ko na nga mabanggit pa ang pangalan ng subject na 'yon. Higit sa lahat yung %%#$# pagmumuka ng professor namin. Nakatanggap ako ng E-mail galing sa kanya. Dali-dali ko pa binuksan, kasama na dun ang dasal ant kaba dahil alam ko yun yung reaction paper ko na ginawa para sa isang pesteng, walang kabuhay-buhay na Peace Talk. pukaena. ang saklap ng grade ko. 50/100? kalahati? Ang sakit pare! ayoko sa lahat ganito. Tapos yung iba mas mataas pa sa akin. ang sakit eh. Sobrang nanlulumo talaga ako ngayon. SHET.
Nagtext ako sa iba kung ano grade nila. Sige na. Kayo na. T.T Hindi ko alam kung bakit ngayon pa nangyayare to sakin. Naturingan pa naman akong isang matalino dahil 2 beses na akong Dean's Lister tapos ganon lang? Pwede ba. Sarap magpakamatay.
Buti na lang may isang taong sakto ang pagtawag niya. Alam niya sa boses ko, pagbanggit ko pa lang ng "Hello?" Alam na niya na may problema ako. Nice one! kung kailan kailangan ko talaga ng kausap saktong nandyan ka para damayan ako. Salamat. (Pero wala to, siya lang ang may gusto sa akin!) Pero aminado ko na dahil sa tawag niya at pagcomfort sa akin, Dagdag pogi points ka Dude! :)
Bukas, panibagong yugto na naman. Ayoko na gusto ko na sumuko. Kung ganito lagi ang mangyayari sakin baka mabaliw na ako. Pero nagpapalakas na lang sa akin si Lord. Alam ko sa dami ko nang naging problema sa paglalakbay na 'to, milagro namang may nangyayaring maganda. Isa na dito na di ko akalaing makakapasok pa ko sa Dean's Lister nung nakaraan. Pero ngayon? ano na? babaligtad na ba mundo ko?
No comments:
Post a Comment