Ang sarap tignan ng mga ganitong klaseng larawan. Sa mga tulad kong NBSB, paniguradong tulad ko, pinapangarap na sana kung dumating man ang lalaking 'yon ay magawa namin lahat ng mga nasa taas. Sarap sa pakiramdam ng pagmamahal no?
Monday, August 29, 2011
Tuesday, August 23, 2011
FAIL OR PASS? :/
Habang nakatingin ako sa screen ng laptop ko, at unti-unting tinatype ang mga salitang nais iparating ng puso at damdamin ko, heto't parang tinutusok ng ice pick ang dibdib ko. Parang gusto ko umiyak, magsisigaw, magwala at magmumura sa kinatatayuan ko ngayon. Akala mo problemang Pag-ibig? HINDI. Ganun ata akong klase ng tao. Kung yung iba ganito ang sasabihin pag may problema sa Pag-ibig, ibahin mo ko. Dahil maniwala ka man o hindi ang mga ganitong pagdaramdam ko ay tungkol sa PAG-AARAL. Labo ba? nakakatawa no? pero Oo. Seryoso talaga ako. Ito kasi yung istorya niyan..a
Kakauwi ko lang kanina.. pahinga muna.. chillax chillax.. kumain pa nga ko ng maagang hapunan, Pancit Canton :) Maya-maya pa, nakita ko si Laptop. Nakagawian ko na 'ata na kada pasok ko sa kwarto ko bubuksan ko na kaagad siya. Ayan na.. binuksan ko na siya. Unang-una ko binuksan ang Facebook, kasabay nito E-MAIL ko. Isang pagkakamali ata na maaga ko binuksan ang e-mail ko. Dahil kasi sa pagbukas ko nito, kaya ako nagkakaganito ngayon. Heto na nga. Lagi ko na lang problema. Yung isang @#$!$!% major subject ko na yon. Ni ayaw ko na nga mabanggit pa ang pangalan ng subject na 'yon. Higit sa lahat yung %%#$# pagmumuka ng professor namin. Nakatanggap ako ng E-mail galing sa kanya. Dali-dali ko pa binuksan, kasama na dun ang dasal ant kaba dahil alam ko yun yung reaction paper ko na ginawa para sa isang pesteng, walang kabuhay-buhay na Peace Talk. pukaena. ang saklap ng grade ko. 50/100? kalahati? Ang sakit pare! ayoko sa lahat ganito. Tapos yung iba mas mataas pa sa akin. ang sakit eh. Sobrang nanlulumo talaga ako ngayon. SHET.
Nagtext ako sa iba kung ano grade nila. Sige na. Kayo na. T.T Hindi ko alam kung bakit ngayon pa nangyayare to sakin. Naturingan pa naman akong isang matalino dahil 2 beses na akong Dean's Lister tapos ganon lang? Pwede ba. Sarap magpakamatay.
Buti na lang may isang taong sakto ang pagtawag niya. Alam niya sa boses ko, pagbanggit ko pa lang ng "Hello?" Alam na niya na may problema ako. Nice one! kung kailan kailangan ko talaga ng kausap saktong nandyan ka para damayan ako. Salamat. (Pero wala to, siya lang ang may gusto sa akin!) Pero aminado ko na dahil sa tawag niya at pagcomfort sa akin, Dagdag pogi points ka Dude! :)
Bukas, panibagong yugto na naman. Ayoko na gusto ko na sumuko. Kung ganito lagi ang mangyayari sakin baka mabaliw na ako. Pero nagpapalakas na lang sa akin si Lord. Alam ko sa dami ko nang naging problema sa paglalakbay na 'to, milagro namang may nangyayaring maganda. Isa na dito na di ko akalaing makakapasok pa ko sa Dean's Lister nung nakaraan. Pero ngayon? ano na? babaligtad na ba mundo ko?

Monday, August 15, 2011
I miss these guys so much. I'm having a skype with them right now. :">
Nawala bigla yung pagod ko sa totoo lang. Ang hirap talaga sa pakiramdam na yung dalawa sa pinakaimportanteng kaibigan mo e nasa malayong lugar. Buti na lang may isa pang natitira. :)
Salamat dahil naimbento ang Skype. Kahit papaano napapawi yung pangungulila ko sa kanila.
Ang drama ko pero yan ang totoo. Madami-dami na din kami napagdaanan tulad ng ibang magkakaibigan sa mundo. Yun bang sinusubok ng pagkakataon. Ang di ko malilimutan dyan yung nanakawan ako bag. Take note: Buong BAG! and yes, naandun na ata lahat ng pwedeng maging importanteng gamit ng isang estudyante.. Laptop, Cellphone, Headphones (akalain mong kasama pa yun? halatang pianghandaan ang pagnakaw no? XD), Charger ng laptop.. at madami pang iba. Sa pagkakataon ito nakakatawa lang ay first time namin makapunta sa Prisinto at makasakay sa isang Police Mobile Car. Habang sinusulat ko to, talaga pa lang nakakatawa minsan pag babalikan mo yung nakaraan? :)
Habang nagtytype ako ngayon, Heto't kausap ko pa sila. Masaya sa pakiramdam.. <3
At Oo.. inuna ko pa talaga to kesa sa mga importanteng gagawin ko para sa School..
Para minsan naman tumawa naman ulit ako ng sobra at dahil sa kanila naman yun so oks lang.. :)
Okay, Kailangan ko na itigil to dahil baka wala ng katapusan to.
hehe.
Grabe. Ilang araw na ang nakalipas? Di ko na naman nasunod ang mga kagustuhan ko. Sa totoo lang ang hirap talaga pagsabayin ang mga nais mong gawin sa mga dapat gawin. Naiintindihan mo ba ko? Basta alam ko na yon sa sarili ko. To cut this short, Daming ideya sa utak ko na nais ko isulat araw araw pero di ko magawa dahil sa mga kailngan sa Iskwelahan. Nakakainis man pero, kailangan talaga unahin 'yon dahil patay ako kung nagkataong di ko magagawa yung mga yon dahil ORAS, oo.. Kulang ako sa Oras..
Madami nangyare.. Madaming PAGOD, PAWIS, PUYAT at SAKIT NG ULO ang naranasan ko simula ng magsimula ako bilang Junior sa Masscomm. Eto na naman ako.. madami ako gusto sabihin pero di ko na naman mapahayag dahil hinahabol na ako ng oras.
O siya cge, Hintayin mo na lang ang pagbabalik ko. :)

Subscribe to:
Posts (Atom)