How time passes so FASSSSTTT. Great. September na. Palapit na ng palapit ang pagtatapos ko bilang isang Mass communication student at ibig sabihin nun, nalalapit na din ang mga HIRAP na pagdadaanan ko. Yung mga tao kapag nalalaman na 3rd year na ko, lagi nilang sinasabi, "Ui! 1 taon na lang graduate ka na!" Parang di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Naiisip ko kasi kung ano bang naghihintay sa akin pag graduate ko. Ako ba yung tipong maghahanap ng trabaho at lalapit sa mga companies at magmakaawang tanggapin nila ko, o ako ba yung matatawag na swerteng bata dahil sila ang lumalapit sa akin? Grabe. Sana ako yung maswerte.
Sa mga nagdaang buwan ang dami ko problema at adjustments na ginawa. Nahihirapan na talaga ako. Pero iniisip ko na lang na hindi lang naman ako yung nakakaranas ng ganito kaya ika nga GO WITH THE FLOW na lang ako. :) Mga ganitong panahon din, sa totoo lang mas tumibay ang pananampalataya ko sa taas. Pakiramdam ko kasi siya yung gumagawa ng milagro sa mga pagkakataong nangangailangan ako ng sobra sobra.
Bago mag tapos ang buwan na to, masusubok ang buong pagkatao ko. Sa pagtatapos ng buwan din na ito may Minor Track na ako, at sana matupad ang kagustuhan ko na yon. Alam ko naman na di ako pinapabayaan ng Diyos at pagkakataon sa mga ganitong bagay pero sa totoo lang nandirito pa din ang sobrang kaba na pumuputok sa Puso ko.
Bahala na.
No comments:
Post a Comment