Friday, September 30, 2011

A day full of blessings.


HAPPY AND BLESSED. yan ang dalawang salita na pauli-ulit kong nababanggit ngayon at tumatakbo sa isip ko. Ang ganda ng araw ko. Una dahil lumabas na ang result sa Minor Track. At YES, pasok ako! n_n
Pero may kakaiba sa loob ka na parang di masaya dahil tinitignan ko yung mga makakasama ko hanggang sa grumaduate ako, e yung mga taong nakakaintimidate kasama. Andito kasi yung mga kakompatensya ko sa academics, creativity at andito din napunta yung mga magkakabarkada na pagnagsama-sama e parang natatakpan na yung iba pang mga estudyante. HAY. di ko na alam. Sabi ng mga kaibigan ko h'wag ko daw isipin yon dahil alam nila kaya ko at magaling daw ako. SANA NGA. buti na lang may bago ako kaibigan na nakasama din sa track na to. Kahit papano natutuwa naman ako. :)



Ngayong araw din na 'to naganap ang Final Production namin. Which is the Radio Dj. Individually lahat ng task kami gagawa. AD, SE, SA, TALENT. wooo! All in 1. And sinasabi ko sayo ako ang una sa batch namin. Take note, may speaker sa labas ng Prod room na lahat e napapakinggan ang mga pinagsasabi mo. NAKAKATAKOT.NAKAKANERBIYOS. Sobra ang paghahanda ko sa Dj na to, kaya alam ko sa sarili ko na pag di ko nakuha yung A na inaasam ko medyo malulungkot ako. Pero tignan mo nga naman ang bait ni Lord, dahil may nangyari man sa Recording na kasalanan ko e nakuha ko pa din ang gusto ko! Salamat! :)

Super saya talaga. Walang kapantay. ~ n_n

Sunday, September 4, 2011

                                     

Tamang Trip Lang kanina habang busy kakabasa ng homework. HAHA. Napagisipan namin na ipost sa FB ng pinsan ko. Akala namain nung una di napost pero biglang may nag LIKE shet. napasubo na. haha! sabay may nagcomment sa pinsan ko at sabi: 

PATAY NA. Pero honestly, kileeggsss naman me :"> HAHA. LOL.


Saturday, September 3, 2011


KAWAII! ~ n_n super inspired ako these days ng Kpop lalo na ng SuJu! ~





How time passes so FASSSSTTT. Great. September na. Palapit na ng palapit ang pagtatapos ko bilang isang Mass communication student at ibig sabihin nun, nalalapit na din ang mga HIRAP na pagdadaanan ko. Yung mga tao kapag nalalaman na 3rd year na ko, lagi nilang sinasabi, "Ui! 1 taon na lang graduate ka na!" Parang di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Naiisip ko kasi kung ano bang naghihintay sa akin pag graduate ko. Ako ba yung tipong maghahanap ng trabaho at lalapit sa mga companies at magmakaawang tanggapin nila ko, o ako ba yung matatawag na swerteng bata dahil sila ang lumalapit sa akin? Grabe. Sana ako yung maswerte. 

Sa mga nagdaang buwan ang dami ko problema at adjustments na ginawa. Nahihirapan na talaga ako. Pero iniisip ko na lang na hindi lang naman ako yung nakakaranas ng ganito kaya ika nga GO WITH THE FLOW na lang ako. :) Mga ganitong panahon din, sa totoo lang mas tumibay ang pananampalataya ko sa taas. Pakiramdam ko kasi siya yung gumagawa ng milagro sa mga pagkakataong nangangailangan ako ng sobra sobra.

Bago mag tapos ang buwan na to, masusubok ang buong pagkatao ko. Sa pagtatapos ng buwan din na ito may Minor Track na ako, at sana matupad ang kagustuhan ko na yon. Alam ko naman na di ako pinapabayaan ng Diyos at pagkakataon sa mga ganitong bagay pero sa totoo lang nandirito pa din ang sobrang kaba na pumuputok sa Puso ko. 

Bahala na.